World

Pinoy Challenger ang isusunod ni Ancajas

By philstar.com/pm-sports

MANILA, Philippines — Matapos ang kanyang matagumpay na apat na title defense laban sa mga foreign challengers ay lalabanan naman ni Filipino world super flyweight king Jerwin Ancajas ang kanyang kababayang si Jonas Sultan ng Cebu.

Bago pa man niya talunin si Mexican challenger Israel Gonzalez noong Linggo sa kanyang US debut sa Texas ay nabanggit na ni Ancajas ang pangalan ni Sultan.

“Magaling si Sultan kaya kaila-ngan talagang paghandaan,” wika ng 25-anyos na tubong Panabo City, Davao del Norte.

Si Sultan ang mandatory challenger para sa suot na International Boxing Fede-ration super flyweight crown ni Ancajas.

“In the IBF we have a mandatory with another Filipino Jonas Sultan,” sabi ni MP Promotions matchmaker Sean Gibbons. “We’re looking into that. If we have to do that fight we’ll do it. If not, we’ll see what’s out there. But we’re kind of looking at the mandatory right now.”

Kasalukuyang bitbit ni Ancajas ang kanyang  29-1-1 win-loss-draw ring record tampok ang 20 KOs, samantalang taglay ni Sultan ang 14-3-0 (9 KOs) card.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Obviously the mandatory is Jonas Sultan of the Philippines,” wika ni Jo Ramos ng MP Promotions. “We’ll go there and see what happens.”

Tinalo ni Sultan si dating two-division champion Johnriel Casimero via unanimous decision noong Setyembre sa Waterfront Hotel sa Cebu City para maging No. 1 mandatory challenger sa korona ni Ancajas.

Continue reading

Comments

comments